MannyG’s Comment

Sa pangalawang pag kakataon nagpapasalamat ako sa Eradio portal.com. Kundi sa inyo hindi ko masusundan ang pangyayari sa ating bayan. Narito ako sa LA, California. Ang aking internet provider ay Verizon wireless internet. Nadadala ko ang aking laptop anywhere sa L.A. na bukas sa Radio DZBB thru Eradioportal.com.

Habang nag da drive ako ay nasa tabi ko ang Laptop at nakikinig ng balita sa ating bansang ginugulo ng mga Crab mentality. Pagkatapos mag drive ng 45 minutes nasa trabaho na ako, pagdating sa trabaho ilalagay ko ang head phone para hindi marinig ng amo ko. Walang kaalam alam ang boss ko nakikinig ako ng Radio sa ating bansa. Paguwi ko nakikinig din ako ng radio habang nag drive ng kotse.

Pag dating sa bahay tuloy tuloy na nakikinig ako habang tumatagay hanggang makatulog. Para akong nasa Pilipinas at updated sa lahat ng balita. Subscriber ako ng isang maybayad na station sa ating bansa pero patigil tigil or paputol putol kaya Eradioportal na lang ginamit ko libre pa.
Kahit na lugi ako sa dollar na ipinadadala ko monthly dahil sa pag baba ng value ng dollar ay nakakatuwa na rin kasi malaki ang natitipid ng Gobyerno sa pag taas ng value ng Peso. Nakakalungkot lang na ang ating mga matatalinong Bishop, Ex presidents, Hyat 10, ilang congressman, Military, Lawyers at Senador ay puro mga Crab Mentality. Iniisip ang personal na galit kay President Gloria hindi iniisip ang kapakanan ng mga mahihirap na Pilipino na nakikinabang sa pag unlad ng economy.–MannyG

admin Mar 4th 2006 07:22 pm DZBB 15 Comments Trackback URI Comments RSS


Click here to Earn more with BNS Affliate Program

Click here to Get Home based & Work-At-Home Job Referrals

Leave a Reply