Panawagan ko sa aking kapwa Pilipino, simulan na natin ang pagbabago sa sarili. Eto at nandito na ang pagkakataon para magtulungan.
Matagal na panahon na ang lumipas, ngayon lamang nagkakaroong muli ng “magandang” balita tungkol sa ating ekonomiya ang punot dulo ng ating hinaing. Ang piso bumabawi laban sa dolyar, gumanda ang koleksyon ng buwis, may kumpiyansa na ang namumuhunan at gumaganda ang imahe ng pilipinas dahil sa reporma ekonomiya. (maliban sa politikal)
Ano katumbas nito? dagdag na eskwelahan, libro at guro. mga TRABAHO mula sa bagong kumpanya, maliit na gastusin sa mga gamit pankaunlaran, alinsunod dito ang pagtataas ng sweldo sa tamang panahon.
Sa madaling salita naguumpisa ng sumigla ang Pilipinas. Wag sanang maliitin ang bagay na ito dahil..
ITO ANG MGA UNANG PAHIWATIG NG PAGKAKATAON AT PAGASA PARA SA TULOY TULOY NA KAUNLARAN at mabago ang pamumuhay sa Pilipinas.
Gamitin natin ito, subukan lang natin at tingnan kung san tayo dadalhin.
Mula sa tulong natin na nagbabayad ng tamang buwis at sa nakikita kong determinasyon ng ating pamahalaan na ipatupad ang plano at pagbabago tungo sa ikagaganda ng ating ekonomiya at pagbubuwag sa korupsyon. Sunod na rin dito ang parte at tulong ng ating manggagawa sa labas ng bansa.
Mga kapatid ko, eto na ang “TSANSA” natin..huwag natin sanang sayangin.
Alam ng lahat na dama parin sa ngayon ang paghihrap sa Pilipinas sa kabila ng mga magagandang senyales na nabanggit. Huwag mabahala pagkat eto ay normal na pananaw ng mga ordinaryong nakararami.
Ngunit sa maniwala kayo o sa hindi, kapag tutulong tayo, o magbigay lamang ng bukas na pagiisip habang isinasagawa ang unti unting hakbang sa pagunlad, sa loob lamang ng 1 o 2 taon, makikita na natin at “madarama” sa loob ng ating mga tahanan at kapaligiran ang pagbabago tungo sa kaginhawaan.
Makakabawi tayo, at ngayon na ang simula. Magtiwala lamang tayo sa ating sarili at sa magagandang ginagawa ng ating gobyerno sa ekonomiya maano pa man na may pagkakamali sa umpisa.
Ang tanong, “paano tayo tutulong o ano ang parte na kailangan nating gawin, tayo na mga ordinaryong pilipino?”
Eto marahil ang isa sa malaking bahagi..ang bahagi o papel ng bawat pilipino..
Gumising tayo sa umaga ng may hinaharap na pagasa. Ngumiti at maging buhay bago pumasok sa trabaho. Simulan ang disiplina sa sarili, maging maaga at produktibo sa trabaho. Sa kalye at kapaligiran disiplina din ang kailangan. etc..
Maraming mga bagay ngunit isa lang talaga ang pamantayan, ang magkaroon ng DISIPLINA sa sarili. Lahat ng ito ay magkakaugnay tungo sa totoong pagbabago.
Huwag na muna tayo makinig sa mga paninira, patayin muna ang telebisyon o radyo ukol sa mga balitang pangit na nakasisira lang sa moral nating mga Pilipino.
Pahinga muna tayo sa mga bagay na yon. Ngayon MAGTULUNGAN MUNA TAYO - ito ang bagay na mas importante..
Ibalik natin at ipakita ang galing nating mga pinoy hindi sa kalsada kundi sa pagtutulungan at kaunlaran.
-biboy